Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang uri ng mineral at mapapakinabangan lamang ito sa pamamagitan ng
pagmimina na isang napakalaking industriya. Nagbibigay ito ng trabaho sa mga
tao at ang pagmimina rin ay nasasabing nakatutulong sa paggawa ng mga kalsada
at istruktura. Ang ating yamang mineral ay karaniwang nakukuha sa
pagmimina, dito rin nakasalalay ang pamumuhay nang ilan sa ating mamamayan. Sa
pagmimina, maraming sector ang naapektuhan mabuti man o masama ang epekto nito.
Ang pagmimina ay madalas nagaganap sa mga bulubundukin lugar kung saan maraming
matatagpuan na mga mineral gaya ng dyamante, graphites, ginto, at marami pang
iba. Nakatutulong ba talaga ang industriyang ito sa atin? Ano-ano nga ba talaga
ang mga epekto nito sa atin?
Sa paglipas ng mga panahon, maraming mga kalsada na ang
naipagawa dahil sa pagmimina. Ang pagmimina rin ay nakakatulong sa pag angkat
ng mga materyales para sa mga istruktura. Subalit marami rin ang mga nasawi sa
mga aksidenteng naganap dulot ng pagmimina. Maraming bulubundukin din ang
nawasak dulot ng indutriyang ito. Nagdudulot ng matinding pagbaha, pagguho ng
lupa, at erosion ang labis na pagmimina. Sa pagmimina nabibigyan ng mga trabaho
ang ilan sa ating mamamayan, subalit ito ay pangsadalian lamang at wala itong
kasiguraduhan kung tayo man ay may makukuhang mineral o wala. Tuwing may
nagaganap na pagmimina lumalaki ang posibilidad na mawawasak nanaman ang mga
tahanan ng ilan sa mga hayop, kung kaya’t marami sa ating mga hayop ang nauubos
dahil sa kawalan ng tirahan at kakulangan sa pagkain. Permanente nitong sinisira ang kalikasan at nawawalan ng tirahan ang mga
hayop. Ayon sa mga eksperto, mahigit sandaang taon ang bibilangin bago bumalik
ang natural na komponent ng nasirang habitat. Hindi sapat ang trabaho at buwis
na naiaambag ng mga industriya ng pagmimina sa pinsalang maaring maidulot nito
sakaling gumanti ang kalikasan. Dahil dito ang nasirang kalikasan ay permanente
na habambuhay at ang mga dating naninirahang hayop sa lugar at malapit dito ay
hindi na maaaring bumalik pa. Walang pinipiling lugar ang pagmimina. Kahit sa
mga lugar na may potensyal bilang destinasyon ng mga turista ay pinapayagan.
Hindi maari na payagan ng gobyerno ang pagmimina sa ating bansa kung wala itong
magandang maidudulot, hindi rin maari na payagan ng ating gobyerno ang
pagmimina ng mga gahaman na mga dayuhan kapalit ng kakarampot nilang bayad sa
pagkasira ng ating likas na yaman. Ayon kay Gina Lopez, ang turismo sa bansa ay
industriyang maaring maging alternatibo sa pagmimina.
Ang pagmimina ay pangmalawakan at
pangmatagalan na pagkasira ng ating kalikasan kung kaya’t dapat natin itong
itigil para sa ikabubuti ng ating kalikasan. Tigilan na ang pagmimina sumosobra
na ang pinsalang dulot nito wala rin naman itong magandang idudulot sa atin at
di naman pangmatagalan ang mga nakukuha natin sa pagmimina. Di natin alam na
paubos na ang ating likas na yaman dulot ng pagmimina. Sa pagtigil natin sa
pagmimina, mababawasan ang pinsala na maaring maidulot natin sa ating
kalikasan. Napakadelikado ng pagmimina kung kaya’t dapat na nating itong itigil
upang wala ng masawi at mapahamak. Dapat tayong umaksyon sa bawat mali na
gawain upang maproteksyonan natin ang ating mga pinahahalagahan. Bilang
mamamayan, dapat nating isulong ang ikakabuti ng ating mundo, mas dapat nating
bigyang halaga ang mga likas na yaman na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Tayo ay
ginawa ng Diyos bilang tagapangalaga ng ating kalikasan. Ang bawat mineral na
ating nakukuha at madalas pa ay kakapiranggot na nabebenta sa maliit na halaga
ay katumbas ng pagkapermanenteng pagkasira ng kalikasan at pagkamatay ng ilang
manggagawa. Hindi natin kakayaninn na maibalik muli ang ating mga kalikasan na
sinira ng pagmimina kaya dapat nating pangalagaan ang kalikasan bilang isang
pangmatagalan na biyaya ng Diyos sa atin, at isulong ang kilusan laban sa
pagmimina.
Hello, nabasa ko ang mga opinyon mo patungkol sa mina dito sa bansa. Ako ay nag aaral ng BS Mining engineering sa kasalukuyan. Nais ko rin lang ibahagi ang aking opinyon. Ako’y pabor sa responsableng pagmimina at alam ko ito ay posible. Bilang naranasan ko mismo at natunghayan nung akoy nag ojt pa. Maraming naitulong ang mina mismo sa mga mamayan sakop nito, nagpatayo sila ng eskwelahan, dagdag trabaho, mga proyekto at programa at marami pang iba. Kasunod sa batas required ang bawat kumpanya ng minahan na magkaroon ng CSR at SDMP(Social Development and Management Program) kung saan wala ang ibang uri ng trabaho. Hinahasa at pinagkakaluoban din ang mga mamayan ng trabaho na magsisilbing tulong sa kanilang kaunlaran at bilang preparasyon din kung matapos na ang mina sa lugar. During mining may progressive rehabilitation na isinasagawa at sa mine closure required din sa batas ang pagpapabalik ng dating kalagayan nito. At hindi tayo makakaranas ng kagihawaan ngayon kung wala ang mina dahil wala tayung ibang pagkukunan ng mga raw minerals na kinakailangan sa paggwa ng ibatibang produkto ng teknolohiya(selpon at laptop na ginagamit mo, mga sasakyan, wires, kahit toothpaste, konkretong bahay at halos lahat ng ating makikita, mahahawakan at ginagamit sa loob at labas ng bahay natin ay produkto ng pagmimina. Kung wala ang mina marahil nasa kweba parin tayo ngayon na walang kuryente, electric fan, aircon at marami pang iba na nagpapagaan ng ating pang araw-araw na buhay… marahil di rin natin kaya mabuhay kung wala ang mga ito. Kung kaya sana mas maging bukas ka pa sa mga magagandang naidudulot ng mina. Ang ating kailangan ay ang estriktong implementasyon ng batas ng inuukulan. Ang paguunanawa at pagkakaisa sa pagsugpo ng iresponsableng pagmimina sa bansa.☺
TumugonBurahinTo whoever you are, as far as I can remember mas malaki pa rin ang naitutulong ng tourism kaysa sa mga minahan. So why sacrifice our nature para lang sa pagmimina na katiting lang naman ang naitutulong sa taong bayan? Also,most of the things we are using here in the Philippines are from the other countries. At base sa sinabi mong required sa batas ang pagpapabalik ng dating kalagayan nito, naibalik ba? Bumalik ba sa dati ang mga minahang nasira? It takes years para umayos yung kalagayan ng lugar. We should promote tourism, not mining.
TumugonBurahinSuntukan
TumugonBurahinHAHHAHAHHA audience po kami
Burahin