Huwebes, Agosto 7, 2014
Pagmimina
Ang Pilipinas ay mayaman sa iba’t ibang uri ng mineral at mapapakinabangan lamang ito sa pamamagitan ng
pagmimina na isang napakalaking industriya. Nagbibigay ito ng trabaho sa mga
tao at ang pagmimina rin ay nasasabing nakatutulong sa paggawa ng mga kalsada
at istruktura. Ang ating yamang mineral ay karaniwang nakukuha sa
pagmimina, dito rin nakasalalay ang pamumuhay nang ilan sa ating mamamayan. Sa
pagmimina, maraming sector ang naapektuhan mabuti man o masama ang epekto nito.
Ang pagmimina ay madalas nagaganap sa mga bulubundukin lugar kung saan maraming
matatagpuan na mga mineral gaya ng dyamante, graphites, ginto, at marami pang
iba. Nakatutulong ba talaga ang industriyang ito sa atin? Ano-ano nga ba talaga
ang mga epekto nito sa atin?
Sa paglipas ng mga panahon, maraming mga kalsada na ang
naipagawa dahil sa pagmimina. Ang pagmimina rin ay nakakatulong sa pag angkat
ng mga materyales para sa mga istruktura. Subalit marami rin ang mga nasawi sa
mga aksidenteng naganap dulot ng pagmimina. Maraming bulubundukin din ang
nawasak dulot ng indutriyang ito. Nagdudulot ng matinding pagbaha, pagguho ng
lupa, at erosion ang labis na pagmimina. Sa pagmimina nabibigyan ng mga trabaho
ang ilan sa ating mamamayan, subalit ito ay pangsadalian lamang at wala itong
kasiguraduhan kung tayo man ay may makukuhang mineral o wala. Tuwing may
nagaganap na pagmimina lumalaki ang posibilidad na mawawasak nanaman ang mga
tahanan ng ilan sa mga hayop, kung kaya’t marami sa ating mga hayop ang nauubos
dahil sa kawalan ng tirahan at kakulangan sa pagkain. Permanente nitong sinisira ang kalikasan at nawawalan ng tirahan ang mga
hayop. Ayon sa mga eksperto, mahigit sandaang taon ang bibilangin bago bumalik
ang natural na komponent ng nasirang habitat. Hindi sapat ang trabaho at buwis
na naiaambag ng mga industriya ng pagmimina sa pinsalang maaring maidulot nito
sakaling gumanti ang kalikasan. Dahil dito ang nasirang kalikasan ay permanente
na habambuhay at ang mga dating naninirahang hayop sa lugar at malapit dito ay
hindi na maaaring bumalik pa. Walang pinipiling lugar ang pagmimina. Kahit sa
mga lugar na may potensyal bilang destinasyon ng mga turista ay pinapayagan.
Hindi maari na payagan ng gobyerno ang pagmimina sa ating bansa kung wala itong
magandang maidudulot, hindi rin maari na payagan ng ating gobyerno ang
pagmimina ng mga gahaman na mga dayuhan kapalit ng kakarampot nilang bayad sa
pagkasira ng ating likas na yaman. Ayon kay Gina Lopez, ang turismo sa bansa ay
industriyang maaring maging alternatibo sa pagmimina.
Ang pagmimina ay pangmalawakan at
pangmatagalan na pagkasira ng ating kalikasan kung kaya’t dapat natin itong
itigil para sa ikabubuti ng ating kalikasan. Tigilan na ang pagmimina sumosobra
na ang pinsalang dulot nito wala rin naman itong magandang idudulot sa atin at
di naman pangmatagalan ang mga nakukuha natin sa pagmimina. Di natin alam na
paubos na ang ating likas na yaman dulot ng pagmimina. Sa pagtigil natin sa
pagmimina, mababawasan ang pinsala na maaring maidulot natin sa ating
kalikasan. Napakadelikado ng pagmimina kung kaya’t dapat na nating itong itigil
upang wala ng masawi at mapahamak. Dapat tayong umaksyon sa bawat mali na
gawain upang maproteksyonan natin ang ating mga pinahahalagahan. Bilang
mamamayan, dapat nating isulong ang ikakabuti ng ating mundo, mas dapat nating
bigyang halaga ang mga likas na yaman na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Tayo ay
ginawa ng Diyos bilang tagapangalaga ng ating kalikasan. Ang bawat mineral na
ating nakukuha at madalas pa ay kakapiranggot na nabebenta sa maliit na halaga
ay katumbas ng pagkapermanenteng pagkasira ng kalikasan at pagkamatay ng ilang
manggagawa. Hindi natin kakayaninn na maibalik muli ang ating mga kalikasan na
sinira ng pagmimina kaya dapat nating pangalagaan ang kalikasan bilang isang
pangmatagalan na biyaya ng Diyos sa atin, at isulong ang kilusan laban sa
pagmimina.
Martes, Agosto 5, 2014
Ang Pagmimina ay Mapaminsala sa Kalikasan
Malaki ang naititulong ng pagmimina sa ekonomiya ng ating bansa pero ito'y mapaminsala. Tulad nang nangyari sa Marcopper sa isla ng Marinduque. Nagkaroon ng tagas sa drainage tunnel na naglalaman ng tira-tirang mine tailings at iba pang lason na chemical. Tumagas ito mula sa minahan papunta sa Makulapnit-Boac River system. Nakontamina nito ang fresh water lake na pumatay sa mga hipon at isda. Nakaroon ng baha at dumaan sa mga irrigation channels na pumatay sa mga pananim at mga alagang hayop. Dineklarang hindi na pwedeng gamitin ang Boac River at ang isang dam sa Marcopper
DEFORESTATION:
MASAMA O MABUTI?
Armand: Clyde! Tanong ko lang. Ano ba
itong sinasabi nilang “deforestation”?
Clyde: Bakit mo naman naitanong yan?
Armand: Tingin ko kasi napakaseryoso ng
isyu na ito.
Clyde: Naku! Tama ka dyan. Ang
deforestation ay ang pagputol ng mga puno sa kagubatan
upang patayuan
ng mga istruktura at iba pa. Ginagawa rin ito sa hangad na mapalawak
ang industriya sa ating bansa.
Armand: Ah! Yun pala yung sinasabi
nilang deforestation. Tanong ko lang, masama ba ito o
mabuti?
Clyde: Maraming mga tao ang walang
pakialam sa posibleng mangyari nang
dahil sa mga gawi
na ito. Hindi mo
baa lam na mas maraming mga tao ang naaapektuhan dahil dito. Maaaring magkaroon ng pagbaha dahil wala ng
sumisipsip sa tubig na galing sa malakas na ulan. At hindi lang iyon, maaari
pang magkaroon ng landslide.
Armand: Ang tindi pala ng epekto ng
deforestation.
Clyde: Syempre naman. Marami ng buhay
ang nasayang at marami ng tao ang naghihirap dahil
dito.
Armand: Kawawa naman sila. Dapat pala
maging alerto at aware ako sa nangyayari sa aking
kapaligiran.
Kailangan kong pangalagaan ang yaman na ipinagkaloob sa ating ng Diyos.
Clyde: Tama ka dyan! Tara ipaalam natin
ito sa iba pang mga kabataan.
Lunes, Agosto 4, 2014
ALAM MO BA?
Alam mo ba na ang dating Pilipinas ay ibang iba na kumpara sa ngayon. Noong mga 1960s sagana at masustansya ang ating yamang lupa subalit habang tumatagal mas nadarama natin ang pagbabago. Ika nga nila “modernization” o paglaganap ng teknolohiya sa ating mundo. Samakatuwid, habang tumatagal, dumarami ang mga kumpanya at naaabuso na ang ating kapaligiran.
Halina’t
alamin natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan at ating lutasin
ang mga ito.
https://www.youtube.com/watch?v=AyKDu0Uh_YA
Pagtatapon ng
basura sa kung saan saan!
Sa panahon ngayon, maraming mga problema ang tinatamasa ng ating inang kalikasan. na hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanapan ng solusyon. Isa na dun ang hindi tamang pagtatapon ng basura ng mga tao.
Tayo’y nabubuhay sa mas modernong mundo kaya naman dumarami ang ating mga basura. Ngunit taliwas ng pagiging moderno natin ang kawalan ng mga trash bins sa ating paligid. Dahilan ito upang itapon lang sa kung saan saan ang mga basura o yung mga tinatawag na “wastes”.
Minsan, hindi natin alam ang magiging epekto nito sa atin. Marami sa atin ang hindi iniisip ang mangyayari sa ating kapaligiran at sa atin kapag naging “polluted” ang ating yamang lupa. Kapag nangyari ito, hindi na maaaring taniman ang lupa dahil ito ay delikado sa mga pananim. Isa pang epekto nito ay ang kalusugan. Dahil sa hindi tamang pagtatapon ng mga basura, ito’y bumabaho at nakasasama ito sa kalusugan. Ilan lamang ito sa mga epekto ng ating gawain. Kapag patuloy pa rin natin itong gagawin, hindi malayo na maubusan na tayo ng espasyo sa pagtatanim. At dahil dito, maaari ring maapektuhan ang ating agrikultura. Kaya’t samahan niyo kami at itapon ang mga basura sa tamang kinalalagyan.
Sa panahon ngayon, maraming mga problema ang tinatamasa ng ating inang kalikasan. na hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanapan ng solusyon. Isa na dun ang hindi tamang pagtatapon ng basura ng mga tao.
Tayo’y nabubuhay sa mas modernong mundo kaya naman dumarami ang ating mga basura. Ngunit taliwas ng pagiging moderno natin ang kawalan ng mga trash bins sa ating paligid. Dahilan ito upang itapon lang sa kung saan saan ang mga basura o yung mga tinatawag na “wastes”.
Minsan, hindi natin alam ang magiging epekto nito sa atin. Marami sa atin ang hindi iniisip ang mangyayari sa ating kapaligiran at sa atin kapag naging “polluted” ang ating yamang lupa. Kapag nangyari ito, hindi na maaaring taniman ang lupa dahil ito ay delikado sa mga pananim. Isa pang epekto nito ay ang kalusugan. Dahil sa hindi tamang pagtatapon ng mga basura, ito’y bumabaho at nakasasama ito sa kalusugan. Ilan lamang ito sa mga epekto ng ating gawain. Kapag patuloy pa rin natin itong gagawin, hindi malayo na maubusan na tayo ng espasyo sa pagtatanim. At dahil dito, maaari ring maapektuhan ang ating agrikultura. Kaya’t samahan niyo kami at itapon ang mga basura sa tamang kinalalagyan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)