Lunes, Agosto 4, 2014

ALAM MO BA?

       

     Alam mo ba na ang dating Pilipinas ay ibang iba na kumpara sa ngayon. Noong mga 1960s sagana at masustansya ang ating yamang lupa subalit habang tumatagal mas nadarama natin ang pagbabago. Ika nga nila “modernization” o paglaganap ng teknolohiya sa ating mundo. Samakatuwid, habang tumatagal, dumarami ang mga kumpanya at naaabuso na ang ating kapaligiran.


            Halina’t alamin natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan at ating lutasin ang mga ito.

https://www.youtube.com/watch?v=AyKDu0Uh_YA




Pagtatapon ng basura sa kung saan saan!

            Sa panahon ngayon, maraming mga problema ang tinatamasa ng ating inang kalikasan. na hanggang ngayon ay hindi pa rin mahanapan ng solusyon. Isa na dun ang hindi tamang pagtatapon ng basura ng mga tao.


                       Tayo’y nabubuhay sa mas modernong mundo kaya naman dumarami ang ating mga basura. Ngunit taliwas ng pagiging moderno natin ang kawalan ng mga trash bins sa ating paligid. Dahilan ito upang itapon lang sa kung saan saan ang mga basura o yung mga tinatawag na “wastes”. 


                      Minsan, hindi natin alam ang magiging epekto nito sa atin. Marami sa atin ang hindi iniisip ang mangyayari sa ating kapaligiran at sa atin kapag naging “polluted” ang ating yamang lupa. Kapag nangyari ito, hindi na maaaring taniman ang lupa dahil ito ay delikado sa mga pananim. Isa pang epekto nito ay ang kalusugan. Dahil sa hindi tamang pagtatapon ng mga basura, ito’y bumabaho at nakasasama ito sa kalusugan.            Ilan lamang ito sa mga epekto ng ating gawain. Kapag patuloy pa rin natin itong gagawin, hindi malayo na maubusan na tayo ng espasyo sa pagtatanim. At dahil dito, maaari ring maapektuhan ang ating agrikultura. Kaya’t samahan niyo kami at itapon ang mga basura sa tamang kinalalagyan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento