Martes, Agosto 5, 2014

DEFORESTATION: MASAMA O MABUTI?

Armand: Clyde! Tanong ko lang. Ano ba itong sinasabi nilang “deforestation”?

Clyde: Bakit mo naman naitanong yan?

Armand: Tingin ko kasi napakaseryoso ng isyu na ito.

Clyde: Naku! Tama ka dyan. Ang deforestation ay ang pagputol ng mga puno sa kagubatan
upang patayuan ng mga istruktura at iba pa. Ginagawa rin ito sa hangad na mapalawak
 ang industriya sa ating bansa.

Armand: Ah! Yun pala yung sinasabi nilang deforestation. Tanong ko lang, masama ba ito o
mabuti?

Clyde: Maraming mga tao ang walang pakialam sa posibleng mangyari  nang dahil sa mga gawi
na ito. Hindi mo baa lam na mas maraming mga tao ang naaapektuhan dahil dito.  Maaaring magkaroon ng pagbaha dahil wala ng sumisipsip sa tubig na galing sa malakas na ulan. At hindi lang iyon, maaari pang magkaroon ng landslide.

Armand: Ang tindi pala ng epekto ng deforestation.

Clyde: Syempre naman. Marami ng buhay ang nasayang at marami ng tao ang naghihirap dahil
dito.

Armand: Kawawa naman sila. Dapat pala maging alerto at aware ako sa nangyayari sa aking
kapaligiran. Kailangan kong pangalagaan ang yaman na ipinagkaloob sa ating ng Diyos.


Clyde: Tama ka dyan! Tara ipaalam natin ito sa iba pang mga kabataan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento